Letra de Kumunoy - Pablo (SB19)

Alias Artístico: Pablo of SB19, Ate Chona, Pinuno, John Paulo Bagnas Nase, Sejun (SB19), John Paulo B. Nase

INFORMACIÓN DEL SENCILLO:

"Kumunoy" es una canción interpretada por PABLO (SB19), publicada en el álbum ALON

Fecha de lanzamiento: 13 de septiembre del año 2024. 

Kumunoy Lyrics


Sa daming iniisip ay hindi mapaliwanag ang bigat ng aking nadarama

At sa aking paglaban para bang lalo akong unti-unting hinihila pababa

Animo'y isang bomba, puso kong nangangamba at anumang oras ay puputok na

Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba, kaya pa ba-ba-ba-ba-ba-ba? (Yeah)


Pagod na sa paglakad ang aking mga paa

'Di ko naman alam kung sa'n papunta

Ako'y nawawala na, gusto ko nang mawala na

Nang lahat ng ito'y matapos na

Ginawa ko naman ang lahat pero 'di pa rin sapat

Ako'y hirap na hirap nang huminga

Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba

Ano pa ba-ba-ba-ba?


'Di ko maintindihan, tinik sa'king lalamunan

Pa'no nga ba maibsan bigat ng aking nararamdaman?

Gusto ko nang sumuko, 'di na kaya ng puso

Nagdidilim na'ng paligid ko

Wala 'kong magawa, nahulog na sa isang


Kumunoy, ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy

Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy

'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy

Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy

'Di ko na alam kung pa'no ko pa nga itutuloy

'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy

Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy


'Di na bago sa'kin ang pakiramdam ng nasa baba

Mabigat ang dala dahil ang puso'y bato na

At habang buhay kong papasanin

Kahit ga'no pa kalalim buntong-hininga, patuloy kong ibubuga

Buga, buga, sige, subok kong ubra

Kahit may boses pa na magsabing "'La kang kwenta"

Alam kong may pag-asa, liwanag ma'y wala pa

Paulit-ulit man ang pasakit, ako'ng gagawa ng himala

Patuloy akong lalangoy sa dagat ko ng luha

Gano'n-gano'n lang, ano ba'ng inaakala niyo?

Kahit na yurak-yurakan pa'ng pangalan ko

'Di na mababasag aking pagkatao

Matagal ko na ring iniisip 'to

Sabihin niyo nga sa'kin kung ano'ng mali ang ginawa ko

Sawang-sawa na 'to, kayo na'ng panalo

Lubayan niyo na 'ko, lubayan niyo na 'ko (Lubayan niyo na 'ko)


'Di ko maintindihan, tinik sa'king lalamunan

Pa'no nga ba maibsan bigat ng aking nararamdaman?

Gusto ko nang sumuko, 'di na kaya ng puso ('Di na kaya)

Nagdidilim na'ng paligid ko

Wala 'kong magawa, nahulog na sa isang


Kumunoy, ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy

Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy

'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy

Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy

'Di ko na alam kung pa'no ko pa nga itutuloy

'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy

Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy


Oh-ooh-woah, kinakailangan ko ng tulong mo, oh

Pasensya na't nakalimutan ko

Na lagi lang kayong nariyan sa aking tabi

Pamilya, kaibigan na nagmamahal, nagsisilbing

Ilaw sa tuwing magulo kong mundo'y nagdidilim

Salamat, oh, aking Ama, ako'y makakaahon rin (Oh)


Kumunoy, tuluyan nang mawawala ang kumunoy (Mawawala na, mawawala na)

Kita na'ng liwanag, magpatuloy lang sa paglangoy

'Di pa 'ko nakakita at alam kong ito'y kumunoy ('Di ko na kailangan pang makakita)

Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

Muli't muling magliliyab ang init ng aking apoy

'Di ko man alam dala ng bukas, ang sagot ko, "hoy!" (Hoy!)

'La akong pake kung ito'y kumunoy

Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy


Salamat, oh, aking Ama

Patuloy ang paglaban sa

Aking isipan

Napupupuno na ng kadiliman, ah-ah, ah



Calificar Canción

VOTOS

¿Cuándo salió "Kumunoy" de Pablo (SB19)?
13 de septiembre del año 2024


¿En qué álbum está "Kumunoy" de Pablo (SB19)?
ALON



Top 5 canciones de Pablo (SB19)

Estas son algunas de las canciones más escuchadas de Pablo (SB19). Si te gustó "Kumunoy", también puedes leer sus letras, conocer sus colaboraciones y explorar su discografía completa en LETRASBOOM.COM.

La Luna

Anong ingay 'yon?, Sa'n nanggaling 'yon?, Sa tagal nakakulong, Bilang araw ng panahon, Teka, Mm, got my shackles on that means I am home, Got no room for visitors, It'd be best if y'all leave me alone, Hey, go away, I'd be rude if I asked you to stay, 'Cause I'm gon' pray, right before I try to eat …

The Boy Who Cried Wolf

Everybody telling that the wolf is bad, Ain't nobody telling when the wolf is sad, And because of that the wolf is going mad, 'Cause there's nobody willing to understand, Maybe I should be more like the sheep instead, Maybe they will listen, if inside, I'm dead, Maybe, all these maybes just because …

Kelan feat. Josue (RADKIDZ)

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh, Kailan ba ako magiging payapa? (Kailan?), 'Di na nga yata, Ako ang taya simula pagkabata, Habulan sa utak ko na mahilig gumala (Uh), Kahapon ay hindi na lumipas, 'di ko rin alam kung meron pang bukas, Pilit nga na nangangapa sa laman ngang wala naman nang lunas, Naging mata…

Blessed

Let's look at it, Our lives are constantly changing, And they're changing so fast, That we don't have time to make the adjustment, By the time, we get the wisdom, We don't have the strength to implement it, Because we're tired from all of our dumb mistakes, Beautiful (Hey), I'm alright with you by m…

Micha!

Hakbang palabas sa kuna, Piglas sa akap ni Kuma, Gutom sa'yo'y humihila, Ikaw na mismo ang kukuha, Ngayong 'lam mo na kung ano lasa, Tumindig ka't simulan ang martsa, Desididong hininga'ng ipusta, Silaban mo na'ng mitsa, (Oh-oh, oh-oh, oh-oh-oh-oh-oh), Silaban mo na, (Oh-oh, oh-oh, oh-oh-oh-oh-oh), …

Lee la letra completa de Kumunoy interpretada por Pablo (SB19). Descubre el video musical, la información del sencillo y explora más letras, álbumes y colaboraciones del artista en LETRASBOOM.COM.