Letra de ​​DETERMINADO - RADKIDZ

Alias Artístico: Josue & Pablo, Josue x Pablo, Pablo & Josue, Pablo x Josue, Nase Brothers

¿Quién escribió "​​DETERMINADO" de RADKIDZ?
Josue (RADKIDZ) y PABLO (SB19)

¿Quién produjo "​​DETERMINADO" de RADKIDZ?
Josue (RADKIDZ) y PABLO (SB19)

¿Cuándo salió "​​DETERMINADO" de RADKIDZ?
14 de enero del año 2021

​​DETERMINADO Lyrics

Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko

Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito

Kung determinado nga

Pero 'di naman makabasag ng plato?


Dami nagtanong, ba't 'to ang gusto?

Tahakin na landas, halika rito

Takbo ng utak ko ay malayo sa iyo

Maniobra palayo sa kakitirang 'yon

Kargado't napuno na rin ng galit 'to

Pero 'di ako magpapalunod sa lait niyo

Patuloy ang andar kahit na bali-baliko

Sa'king daanan, sumpang 'to ay mababali ko

Ano ba'ng sabi ko?


Determinado

Walang makakapigil, 'di terminado

Aking sentido bumabasag ng mga bungo

Heto na'ng huling bersikulong maririnig mo

Galing sa'yong berdugo


Katumbas ako ng dalawa na ipo

Bawat suntok ay may bigat na mala-hippo

Kahit si Aeolus, hindi ako mahipo

'Pag nag-dempsey roll, bira mo'y sa anino

Musika lang aking bisyo, ang natatanging ambisyon

Kahit anumang opinyon, hinding-hindi malilipol

Lahat isasakripisyo, hindi kailangang abiso

Ng kahit na sino, heto na'ng aking pagsibol


Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko

Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito

Kung determinado nga

Pero 'di naman makabasag ng plato?


'Di ako isang anito

Ako'y 'di hamak lang na isang mortal nga na bagito

Apoy ko'y imortal, 'di halintulad sa palito

Nagpapalit 'to ng anyo 'pag nakipagbasag-ulo, mga pabibo

Paniguradong matutusta, tyak sunog sa'kin

Ako ang Prometheus ng musika, tapos ka

Nagliliyab mga kutha, 'gad magigising ka

Kapag sinindihan ko pa, don't you drop the beat

Y'all can never take the heat


Determinado

Walang makakapigil, 'di terminado

Aking sentido bumabasag ng mga bungo

Heto na'ng huling bersikulong maririnig mo

Galing sa'yong berdugo


Balisa, 'lang humpay sa paghuhukay ng mga tula

Sa bahay ng saysay parang tarantulang nalulumbay

Kahihintay ng pusang galang magtatangkang hamakin ang aking buhay

'Di mo maide-deny aking taglay

Kahit pa umabot ang paglakad ko ay pasuray-suray

Habang buhay maglalakbay

Patungo sa'king pangarap na kailan pa man ay 'di mamamatay


Hindi mamamatay, laging mananalaytay ang enerhiyang aking ibibigay

Baybay lang ang kayang silayan, 'pag ang puso't utak ay hindi magkaugnay

'Di ko kailangan ng lamay, akin na nga 'yang tinapay

Tigilan mo'ng kakahukay, lumayas ka sa'king bahay

Kung isip ko'y 'di rin tunay, 'lang saysay magbigay pugay

Matagal na 'kong patay kung 'di lang determinado (Ah-ah, oh)


Ako ay determinado (Ako ay)

Ako ay determinado (Oh-oh)

Determinado

Ako ang iyong berdugo


Calificar Canción

VOTOS


INFORMACIÓN DEL SENCILLO:

"​​DETERMINADO" es una canción interpretada por RADKIDZ. 

Fecha de lanzamiento: 14 de enero del año 2021. 

Créditos de la canción
Productores: Josue (RADKIDZ), PABLO (SB19)
Escritores: Josue (RADKIDZ), PABLO (SB19)
Distribuidora: Sony Music Entertainment Philippines
Sello discográfico: 1Z Entertainment

Letra aportada por: Nilmey

Top 5 canciones de RADKIDZ

Estas son algunas de las canciones más escuchadas de RADKIDZ. Si te gustó "​​DETERMINADO", también puedes leer sus letras, conocer sus colaboraciones y explorar su discografía completa en LETRASBOOM.COM.

AKALA

Paabot naman ng alak, pare, tara walwalan, Dami ko na ngang dapat na ginagawa na nararapat, Pero please, isa pang shot, Gusto ko pang malasing ng todo para makatakas sa realidad, 'Lam kong hindi ito ang sagot, nais lang maabot ang alapaap, Bakit ba ang dami-daming taong gustong kunin ang sarili, Tap…

​​DETERMINADO

Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko, Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito, Kung determinado nga, Pero 'di naman makabasag ng plato?, Dami nagtanong, ba't 'to ang gusto?, Tahakin na landas, halika rito, Takbo ng utak ko ay malayo sa iyo, Maniobra palayo sa kakitirang 'yon, Kargado't napuno n…

Lee la letra completa de ​​DETERMINADO interpretada por RADKIDZ. Descubre el video musical, la información del sencillo y explora más letras, álbumes y colaboraciones del artista en LETRASBOOM.COM.