23 de diciembre del año 2023
Alas Dose Letra - Cup of Joe
Letra oficial
Alas Dose Lyrics
Kumusta ka na?
Ibig ko sanang makapiling ka
Puso'y nag-iisa, nanlalamig
Halina't ika'y yayakapin
Kay gandang isiping
Dumating na ang aking hiniling
Na sa pag-ilaw ng kalangitan
Sisinag ang pagmamahalan
Magwawakas na ang gabi
Nakahanda na ang noche buena
Sana nama'y ika'y akin na
Sa pagsapit ng
Alas dose na, sinta
Oras na para tayo ay magsama
Alas dose na, sinta
Kulang na kulang ang Pasko kung wala ka
Pwede bang sabay nating kumpletuhin ang simbang gabi?
Upang sa mga susunod na alas dose ay ikaw
Ang katabi, hee
Ikaw ang katabi
Ang katabi, hee
Ikaw, tanging ikaw ang katabi
Aking sinta
Tumutunog na naman ang kampana
Mga parol ay sinindi
At napuno ang mundo ng mga ngiti
At sa wakas ay nagtabi
Sa may sulok ng simbahan
Ating kamay ay nagdampi
At nabuo ang aking gabi
Alas dose na, sinta
Oras na para tayo ay magsama
Alas dose na, sinta
Kulang na kulang ang Pasko kung wala ka
Pwede bang sabay nating kumpletuhin ang simbang gabi?
Upang sa mga susunod na alas dose ay ikaw
Ang katabi, hee
Ikaw ang katabi
Ang katabi, hee
Ikaw, tanging ikaw ang katabi
Alas dose na, sinta
Ako'y nagising sa mapait na katotohanan
Alas dose na pala
Nangungulila sa iyong mga yakap
Oh, bakit ba sa tuwing Pasko lamang kita makakasama?
Sana pala'y hindi na lang tayo nagkakilala at
Nagkatabi, hee, nagkatabi
Kung ikaw rin pala ay aalis
Alas dose
Comentarios (0)
Aún no hay comentarios. ¡Sé la primera persona en contar qué significa esta canción para ti!